Ang mga larawan na nasa kaliwa ay nagpapakita kung ano ang kalagayan ng ating bansa ngayon.Ito ay ang Kahirapan na nararanasan ng maraming Pilipino dito sa bansa.Kapag tayo ay may lakad at tayo ay lalakad o sasakay ng sasakyan, makikita natin ang mga taong naghihirap na nakakalat sa iba't ibang parte ng lugar dahil sa kahirapan.Ako din mismo ay nakakita rin habang ako ay nasa pier sa loob ng barko. Maraming mga mahihirap na naghihintay na mabigyan ng pera galing sa mga pasahero ng barko.Isang hulog lang ng piso ay nakakasaya na sa kanila.
Ang kahirapan ay isa sa mga problemang ninais natin na mabigyan ng pansin ng pamahalaan.Marami ang mga epekto nito kaya't nangangailan tayo na may tutulong para sa kaayusan ng ating bansa. Hindi maging kumpleto ang ating bansa kung walang mamuno nito at hindi rin maging kumpleto ang bansa kung wala tayong lahat.
Ang mga larawan na nasa kanan ay ang mga halimbawang kandidato na gustong mamuno ng ating bansa. Sila ay may iba't ibang gustong ikamit para sa kabutihan at kaayusan ng ating bansa. Hindi sila basta-bastang mamuno kung hindi pa nakikita ang resulta ng pagboto ng mga Pilipino kaya sila ay nagkakandidato upang magwagi. Ang mga tao sa bansa ay kinakailangan ng tamang pagboto ng mga kandidato. Nakakalungkot mang isipin na ang iba sa mga mamboboto ay binayaran ng malaking halaga upang botohin ang kandidatong hindi sana nilang botohin.Tinanggap rin nila ang kondisyon dahil ito ay makakatulong sa kanilang pangkabuhayan dahil sa pagkakaranas ng kahirapan.
Hindi natin alam kung ano talaga ang balak ng bawat isa sa mga kandidato. Kapag sila ay nasa sa kanilang bagong posisyon, wala na ang kanilang pinangako. Wala na ang ating hinihintay na pagbabago. Nanatili pa ring mahirap ang bansa dahil inangkin ng iba ang dapat sana ay sa atin.
Kung ang mga Pilipino ay pumili ng tamang taong karapat dapat na mamuno ng ating bansa, hindi sana tayo makakaranas ng problema sa ating bansa. Kung wala sanang kurakot, hindi sana maging mahirap ang ating bansa at hindi sana tayo maghihirap. Kahit na naghihirap tayong lahat, dapat ipagpatuloy pa rin natin ang pagkakaisa at pagtutulungan kasi nandiyan ang mga karakter upang tayo ay makaakyat laban sa kahirapan.